Nasa 75 kaso ng dengue fever ang naitala sa Subic, Zambales.
Ayon sa Municipal Health Office, mula sa barangay Cawag ang karamihan sa mga bagong kaso ng dengue.
Nagsagawa naman ng fogging ang lokal na pamahalaan sa nasabing lugar para wasakin ang breeding sites ng mga lamok upang maiwasan ang dengue outbreak.