Sinibak sa kani-kanilang mga pwesto ang 75 hepe ng pulisya sa Central Visayas.
Ayon sa direktor ng PNP Region 7, lumabas sa kanilang Evaluation of Validation na hindi maganda ang performance kontra iligal na droga ng mga tinanggal na opisyal sa kani-kanilang mga nasasakupan nitong mga nakaraang linggo.
Sa kabuuang 126 na Police Station ng Region 7, mababa sa itinakdang criteria ang performance ng nasabing 75 hepe ng pulisya.
Hindi umano nakatugon ang mga hepe sa standard ng Administrasyon laban sa iligal na droga.
Dahil dito, nagpatupad na ng balasahan sa mga istasyon ng pulis sa Region 7
By: Avee Devierte