Nakapagtala na ng 75 kaso ng leptospirosis ang Department of Health (DOH) sa CALABARZON mula enero a-primero hanggang agosto a-disi siyete ng kasalukuyang taon.
Ayon sa datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit 12 sa nasabing bilang ang nasawi.
Kasabay nito, pinaalalahanan ni DOH CALABARZON Regional Director Eduardo Janairo ang publiko na iwasang lumusong sa tubig baha lalo na ang mga may sugat para hindi magkaroon ng leptospirosis o virus na nagmumula sa ihi ng daga.
Gayundin ang pag-inom ng prophylaxis kung hindi naman maiiwasang maglakad sa baha.
Binigyang diin ni Janairo, nakamamatay ang sakit na leptospirosis kaya dapat agad na magpakonsulta sa doktor kung makakaranas ng lagnat, panginginig ng katawan, pananakit ng ulo at kasu-kasuan, pamumula ng mata, paninilaw ng balat at hirap sa pag-ihi.