Tatlo sa bawat apat na Pilipinong botante ang susuporta sa mga kandidatong pinaniniwalaan nilang igigiit ang soberanya ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone ng bansa.
Sa survey ng Social Weather Stations, 75% ng mga respondent ang boboto para sa mga kandidatong naniniwala na dapat igiit ng Pilipinas ang ating mga karapatan sa EEZ habang 25% lamang ang nagsabing susuportahan nila ang mga kandidatong hindi naniniwala na dapat ipaglaban ng bansa ang mga karapatan nito sa rehiyon.
Lumabas din sa survey na sa iba’t ibang uri ng socioeconomic classes, class E ang may pinakamababang bilang ng suporta para sa mga kandidatong suportado ang soberanya ng bansa.
Binigyan-diin ni Stratbase President Dindo Manhit na maaaring epekto ito ng sinasabing sistematikong disinformation campaign ng China sa Pilipinas.
Gayunman, iginiit ni manhit na hindi ito dapat isisi sa mga nasabing social class dahil anya biktima lamang din ang mga ito.