Mapanganib umano para sa ekonomiya ng bansa ang inihihirit ng mga militanteng grupo na 750 piso na minimum wage kada araw.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, posibleng malaki ang maging negatibong epekto ng nasabing halaga na minimum wage para sa mga manggagawa.
Paliwanag ni Lopez, mas makakabuti kung ibabatay sa inflation ang pagbibigay ng umento sa sahod upang maiwasan na magkaroon ito ng epekto sa presyo ng mga produkto at sa ekonomiya ng bansa.
Gayunman nilinaw ni Lopez na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board pa rin ang magdedesisyon o magtatakda kung magkano ang dapat na idagdag sa sweldo ng mga manggagawa.