Nangangailangan ng 750 pinoy nurses sa Germany sa ilalim ng Triple Win Project ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Ayon sa POEA, ang Triple Win Project ay Government-To-Government Healthcare Employment Cooperation Program sa pagitan ng Pilipinas at Germany.
Ilan sa mga requirements para sa mga gustong mag-apply, kailangan ay filipino citizen, permanent resident ng Pilipinas, may Bachelor Science in Nursing Degree, may active Philippine Nursing License at may isang taong related experience sa mga ospital, Rehabilitation Centers o iba pang health care institutions.