Patay ang 76 na indibidwal matapos tumaob ang isang bangka bunsod ng pagbaha dahil sa walang tigil na pag-ulan sa Anambra State, Nigeria.
Ayon sa mga otoridad, umapaw ang tubig sa Niger River dahilan para maapektuhan ng pagbaha ang 29 sa 36 na lugar sa nabanggit na bansa.
Napag-alaman na overloaded ang naturang bangka dahil sa sakay nitong 85 pasahero na ililikas sana mula sa kanilang mga tirahan.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng emergency service sa lugar habang patuloy naman ang relief operation para sa mga apektado ng pagbaha.
Nabatid na mula nang magsimula ang tag-ulan, umabot na sa 200 milyong katao ang nasalanta ng pagbaha kung saan, 300 katao ang nasawi habang 100k naman ang nawalan ng tirahan.