Sinuwag ng Milwaukee Bucks ang Philadelphia 76ers kung saan naitala sa 107-95 ang final score.
Gumawa ng double-double na 31 puntos at 18 na rebounds si Giannis Antetokounmpo para mag-tagumpay ang Bucks sa nasabing laban.
Nagpakitang gilas din si Khris Middleton sa kaniyang 19 markers at John Henson na gumawa ng 13 puntos.
Dahil sa nasabing panalo, nakuha ng Milwaukee ang ika-apat nilang sunod na panalo.
Nakatakdang bumisita ang 76ers sa Brooklyn sa Huwebes, Pebrero 1, habang nasa Minnesota naman ang Bucks sa Biyernes, Pebrero 2.