Nahaharap sa matinding dagok ang Philadelphia 76ers matapos magka-injury ang kanilang star center na si Joel Embiid.
Ayon sa report, nagtamo ng orbital fracture o pinsala sa mata si Embiid sa kanilang blowout win laban sa Toronto Raptors kahapon.
Nabatid na tinamaan ng siko ni Pascal Siakam ang kanang mata ni Embiid habang tinatangka nitong ipasok sa ring ang bola.
Matatandaang isinalang sa left eye surgery ang Sixers player noong 2018 dahil din sa katulad na insidente.