Nakapagtala ang Britanya ng 77 aso ng South African variant ng COVID-19.
Dahil dito, nanawagan si health minister Matt Hancock sa mga mamamayan na tumalima sa lockdown rules dahil posibleng mas mabagsik ang naturang virus.
Ayon kay Hancock, ang mga natukoy na kaso ay nagkaroon umano ng travel history sa South Africa.
Ikinababahala naman ng mga eksperto ang posibilidad na hindi umubra ang mga nadiskubreng bakuna kontra coronavirus laban sa mga bagong variant.
Samantala, may siyam namang kaso ng Brazilian variant na natuklasan sa Britanya.