Okupado na ang 77% ng Intensive Care Unit o ICU beds sa bansa.
Ayon sa Department Of Health, 78% ng kabuuang 1,400 ICU beds sa NCR ang nagamit na kung kaya’t inilagay na ito sa high-risk category.
Samantala, 73% naman ng 16,000 ward beds sa buong bansa ang okupado na rin, habang ang 72% ng kabuuang 4,400 ward beds san NCR ang kasalukuyang ginagamit.
Maliban dito, 57% ng 3,300 mechanical ventilators sa mga ospital ang nagamit na, habang 61% ng 1,200 ventilators sa metro manila ay ginagamit na rin.—sa panulat ni Hya Ludivico