Papalo sa pitumpu’t pitong (77) sibilyan ang nasawi sa pambobomba ng gobyerno ng Syria sa silangang bahagi ng Ghouta.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, kabilang sa mga nasawi sa airstrikes ang dalawampung (20) bata.
Tinarget din sa naturang pag-atake ‘di lamang ang mga sibilyan kundi maging ang mga mapagkukunan ng suplay ng pagkain gaya ng mga bakery, tindahan at mga kainan.
Sinasabing ito na ang pinakanakamamatay na pambobomba na nangyari sa loob ng isang araw sa loob ng pitong taon sa Syria.
—-