Hindi na ganun kadaling makuha ang target na 77m total jabs ng Pamahalan, bago bumaba sa puwesto si Pangulong Duterte sa buwan ng Hunyo.
Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni Vaccine Expert Panel chairperson Dr. Nina Gloriani, na sa ngayon, medyo bumaba na kasi ang acceptance o iyong mga nagnanais na magpaturok ng bakuna.
Pero ani Gloriani, tiyak na sisikapin parin ng National Vaccine Operations Center o (NVOC) na madagdagan pa ang 67M na mga bakunado sa bansa.
Giit ng Health Expert, hindi ganun kadaling makapagbakuna ng 10M indibidwal lalo na’t ilang linggo na lamang ang nalalabi sa termino ni Pang. Duterte.