Ginugunita ngayong araw, Abril 9 ang ika-77 Araw ng Kagitingan.
Alinsunod ito sa bisa ng Executive Order Number 203 na naglalaan sa Abril 9 bilang araw ng pagbibigay parangal sa kagitingan ng mga Filipinong nagsilbi at nagtanggol sa bansa sa panahon ng giyera.
Gayundin ang pag-alala sa pagbagsak ng Bataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdigan.
Ngayong taon, may tema ang Araw ng Kagitingan ng “Sakripisyo ng Beterano ay Gunitain, Gawing Tanglaw ng Kabataan Tungo sa Kaunlaran”.
Kaalinsabay nito ang Philippine Veterans week na nagsimula noong Abril 5 at magtatapos sa Abril 11.
Sa ipinalabas na pahayag ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), kanilang binigyang diin ang papel at pagsusumikap ng mga war veterans para matamo ang kalayaang tinatamasa ng bansa sa kasalukuyan.
—-