Isinugod sa Candijay District Hospital sa Bohol ang 78 estudyante makaraang mabiktima umano ng food poisoning.
Pahayag ni Bohol Provincial Health Officer Dr. Reymoses Cabagnot, nakaranas ng pananakit ng ulo at pagsusuka ang mga hindi pinangalanang mag-aaral sa idinaos na congressional meet.
Kahit napansin umano ng mga bata na masama ang amoy ng pagkain na inihain sa kanila ay kinain pa rin nila ito.
Plano ni Cabagnot na paimbestigahan sa Department of Education (DepEd) ang naturang insidente.