Posibleng magkaroon ng snap election sa Kosovo matapos ang mahigit isang taon nang political crisis sa nasabing bansa.
Nabatid na sa 120-member parliament pitumpu’t walo (78) miyembro ang bumoto para masibak na sa gobyerno si Prime Minister Isa Mustafa sa no confidence motion.
Iginiit ng 78-member parliament ang kabiguan ni Mustafa na tuparin ang mga pangako noong kampanya at sa halip ay nakatanggap ito ng public distrust.
Bago ang botohan, sinabi ni Mustafa na naging performer naman ang gobyerno dahil naresolba ang mga problema tulad ng unemployment.
By Judith Larino
Photo: Reuters