Target ng gobyerno na makapag-accredit ng 78 COVID-19 testing centers sa buong bansa bago matapos ang buwang ito.
Ito ayon kay BCDA President Vince Dizon ay kaya’t nagdodoble kayod ang gobyerno para madagdagan ang bilang ng mga laboratoryo na makakapagsuri sa nakakahawang sakit.
Sa kasalukuyan ay mayroon na aniyang 20 accredited laboratories sa buong bansa.
Sinabi ni Dizon na kailangan pang makapag-accredit ng 58 pang laboratoryo para maabot ang target na 30,000 tests araw-araw at mas marami ang dapat maitayo sa Luzon lalo na sa Metro Manila kung saan naitala ang pinakamaraming kaso ng COVID-19.