Nasawi ang isang 78 taong gulang na lolo makaraang atakehin sa puso habang inililikas bilang paghahanda sa bagyong Rolly sa Bulalacao, Oriental Mindoro.
Ayon sa Public Information Office (PIO), idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Aladino Alarcon, residente ng Sitio Tabuk ng Barangay Poblacion.
Nabatid na nakaupo si Alarcon sa labas ng isang simbahang ginawang evacuation center nang biglang mahirapang huminga at manikip ang dibdib.
Sinasabing mahigit 700 nang pamilya o halos 2,000 residente mula sa 15 barangay ng Bulalacao ang inilikas na dahil sa masamang panahon na dulot ng Bagyong Rolly.