Dumating na sa bansa kagabi ang nasa 780,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines para sa mga kabataang edad 5 hanggang 11.
Dakong alas-9 ng gabi dumating ang bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Unang batch ito na binili ng gobyerno sa pamamagitan ng World Bank.
Sinalubong ang bakuna ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., kasabay ng pagtiyak na tuloy ang rollout ng pediatric vaccination sa Lunes, Pebrero 7.
Anim na vaccination sites sa NCR ang unang inisyal na venue ng bakunahan kung saan kabilang ang; Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Manila Zoo, SM North Edsa o Skydome at Fil Oil Gym sa San Juan City. —sa panulat ni Abby Malanday