Inanunsyo ng Bureau of Corrections na nakalaya na ang mahigit 700 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ngayong buwan mula sa iba’t ibang piitan sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ng BuCor na umabot na sa mahigit 12,000 ang bilang ng mga pinalayang PDL sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior.
Sa mga pinalaya noong Marso, mahigit 100 ang napawalang-sala, 4 ang nakalaya sa piyansa, 2 ang nasa conditional pardon, mahigit 500 ang nagsilbi sa kanilang pinakamataas na sentensiya, 20 ang nabigyan ng probasyon, at mahigit 90 ang nabigyan ng parol.
Sa kabuuang bilang, halos 400 ang pinalaya mula sa new bilibid prison, mahigit 90 mula sa Davao prison at penal farm, 65 mula sa Correctional Institution for Women at Iwahig prison at penal farm, 55 mula sa San Ramon Prison at penal farm, 48 mula sa sablayan prison at penal farm, at 44 mula sa Leyte Regional Prison.
Sa kasalukuyan, inilipat ng BuCor ang 2,248 PDL mula sa NBP sa Leyte Regional Prison, iwahig prison and penal farm, Davao prison and penal farm, sablayan prison and penal farm at San Ramon Prison and Penal farm mula noong Enero. – sa panunulat ni Raiza Dadia