Nasa 200 mga biyahero mula China at special administrative regions nito ang dumating sa Mactan Cebu International Airport Authority (MCIAA) kahapon, Pebrero 2.
Ayon kay MCIAA General Manager Atty. Steve Dicdican, 79 sa nabanggit na bilang ang mga Filipinong balik bansa na kasalukuyan na aniyang sumasailalim sa self-quarantine.
Habang ang mga nalalabing pasahero naman ay hindi pinayagang makapasok ng bansa at agad nang pinabalik sa lugar na kanilang pinanggalingan.
Dagdag ni Dicdican, lumagda rin sila sa isang memorandum para magdeklara ng state of emergency sa Mactan Cebu International Airport.