Nasawi ang 79 na preso kasunod ng riot na naganap sa apat na bilangguan sa Ecuador na itinuturing na
pinaka madugong kaguluhan sa kulangan sa nasabing bansa.
Batay sa ulat ng national agency na nakatalaga sa mga bilangguan ng Ecuador—SNAI, 37 sa mga namatay ay
mula sa kulangan sa Pacific Coast City ng Guayaquil, 34ay mula sa Cuenca, Ecuador habang walo ay mula sa
Central City ng Latacunga.
Ayon sa ulat ng mga otoridad, nagsimula ang kaguluhan sa kulungan simula noong Disyembre 2020
nang patayin ang kalalaya lamang na lider ng Los Choneros na itinuturing na pinaka makapangyarihang gang sa bilangguan.
Away sa kung sino ang papalit na bagong pinuno ng naturang gang ang sinasabing puno’t dulo ng gulo.
Aminado naman ang Presidente ng Ecuador na si President Lenin Moreno sa kanyang pahayag kaugnay sa insidente na siksikan ang mga preso sa mga kulungan sa bansa at walang sapat na pondo’t mga tauhan.
Dagdag ni Moreno, hindi biglaan ang naganap na gulo, bagkus ay planado umano ng mga nasa labas ng kulungan at pinangasiwaan ng mga nasa loob na nagnanais na maging lider at magpasimuno ng drug trafficking sa buong bansa.
Samantala, labis naman ang paghihinagpis ng mga kamag-anak ng mga nasawing preso habang lubhang nag-aalala ang mga kaanak ng mga nakabilanggo sa mga nasabing kulungan, batay sa ulat ng Reuters.
Matatandaang nauna na nang nagdeklara si Moreno ng state of emergency sa sistema ng mga bilanggo sa Ecuador noong 2019 matapos makapagtala ng 24 na pinatay sa loob ng bilangguan.—sa panulat ni Agustina Nolasco
El martes 23 de febrero fue un día trágico para el país. En cuatro cárceles, simultánea y orquestadamente, se desató una ola de violencia jamás registrada en Ecuador. Esto no es coincidencia, es consecuencia. #SinTreguaContraLaViolencia pic.twitter.com/LroX5Jfm3e
— Lenín Moreno (@Lenin) February 24, 2021