Nananatiling nakasara ang 77 warehouse ng National Food Authority sa gitna ng patuloy na imbestigasyon ng Ombudsman kaugnay ng anomalyang pagbebenta ng bigas sa mga traders sa murang halaga.
Ito’y ayon sa Department of Agriculture at mula sa nasabing bilang, 20 warehouse ang nakatakdang buksan kasunod ng pag-bawi ng suspensyon sa mahigit 20 NFA personnel.
Kasama sa mga bubuksang warehouse ang mga nasa Cagayan Valley, Western Visayas, at nasa National Capital Region.
Una nang sinabi no ombudsman Samuel Martires, inalis ang suspension order laban sa 23 NFA personnel matapos lumabas sa imbestigasyon mula sa kanyang tanggapan ang maling datos sa listahang ibinigay ng DA, na sinasabing galing sa NFA. – – sa panunulat ni Raiza Dadia