79% ng mga Pilipino ang nagsabing mas naging masama o lumala ang uri ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na labing dalawang buwan o isang taon.
Batay ito sa isinagawang national mobile phone survey ng Social Weather Stations (SWS) mula Hulyo 3 hanggang Hulyo 6 sa may 1,555 respondents.
Ayon sa SWS, ito na ang ikalawang mataas naitala nilang resulta ng survey hinggil sa lumalang uri ng pamumuhay ng mga Pilipino kasunod ng record high na 80% noong nakalipas na Mayo.
Lumabas din sa survey na labing 2% ng mga Pilipino ang nagsabing walang naging pagbabago sa uri ng kanilang pamumuhay habang 8% lamang ang nagsabing bumuti ito.