Mayorya o 79 na porsyento ng mga Filipino ang naniniwalang mahalagang isama ng mga kandidato ang family planning sa kanilang mga plataporma, base sa Pulse Asia survey.
Sa sponsored survey ng Philippine Legislators Committee on Population and Development noong Pebrero 15 hanggang 20 sa 1,800 registered voters bilang respondent, 95 percent sa mga ito ang nagsabing mahalagang magkaroon sila ng kakayahan na magplano ng pamilya.
Ayon kay Pulse Asia Research Director, Dr. Ana Maria Tabunda, 86 percent naman ng mga Pinoy ang nagnanais na maglaan ang gobyerno ng pondo para sa family planning services.
Limampu’t pitong (57) porsyento ang pabor na magkaroon ng access sa family planning sa public health facilities ang mga edad 15 pataas.
Layunin ng mga tanong sa survey himukin ang kasalukuyan at susunod na mga leader na tuluyang ipatupad ang Reproductive Health Law sa pamamagitan ng pagtiyak na magkakaroon ng ilalaang pondo para sa family planning services.
By Drew Nacino