Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwala na ang paglabag sa health protocols ang tunay na dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Base sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey, 79% ng mga adult Filipino ang nagsasabi na ang hindi pagsunod sa social distancing, tamang paghuhugas ng kamay at hindi pagsusuot ng face mask at face shields ang ugat ng pagsipa ng virus cases sa bansa.
Habang, 11% ang nagsasabi na dahil umano ito sa kakulangan ng preparasyon ng pamahalaan, at 10% naman ang naniniwala na resulta umano ng bagong variant ang muling pagsirit ng COVID-19 cases sa bansa.
Makikita rin sa resulta ng SWS survey, na 33% ng mga respondents ang nagsasabing nakadepende parin sa pagsunod ng mga tao ang magiging pagbaba ng kaso ng virus habang 31% ang sumagot na nakadepende umano ito sa aksyon ng gobyerno.
Samantalang, 15% naman ang naniniwalang dahil ito sa mga miyembro ng isang komunidad, 9% ang naman sumagot na responsibilidad daw ito ng local government units, 8% ang nagsasabing depende ito sa pamilya, at 4% naman sa nmga healthcare workers.
Isinagawa ang survey sa 1,200 adults nationwide simula April 28 hanggang May 2.
Una nang tinutulan ng Department of Health ang rekomendasyon na luwagan na ang public health protocols para sa mga fully vaccinated na mga indibidwal sa bansa.