Halos 80 porsyento ng mga kapatid na Muslim o 79% ang pabor sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Batay ito sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Disyembre kung saan lumalabas ding 67 porsyento ang siguradong pabor sa pag-apruba nito at 12 porsyento naman ang bahagyang nagnanais ng approval ng nasabing panukalang BOL.
Sa mga kapatid na Muslim na hindi pabor sa BOL, apat na porsyento rito ay bahagyang hindi ito gusto at tatlong porsyento naman ang siguradong tutol dito na mailusot.
14 na porsyento naman sa mga respondents ay ay undecided.
Nakasaad din sa survey na 78 porsyento ng mga kapatid na muslim na isinalang sa survey ay batid o alam ang BOL.
10 porsyento rito ay may malawak na pagka-unawa sa BOL 35 porysento ang may bahagyang impormasyon na batid tungkol sa BOL at 33 porsyento naman ang may kakaunting impormasyon sa nasabing usapin.
Nasa 1,440 respondents ang isinalang sa SWS Survey nuong December 16 hanggang 19 gamit ang face to face interview.
—-