Nakapagtala ng 79.34% protection rate laban sa COVID-19 ang bakunang nilikha ng Chinese firm na Sinopharm.
Batay ito sa resulta ng interim analysis sa phase 3 clinical trial ng bakuna.
Ayon sa subsidiary ng Sinopharm na Beijing Biological Products Institute Company, kasalukuyan na silang nagsumite ng aplikasyon sa national medical products administration ng China.
Ito ay para sa makakuha ng conditional approval at masimulan na ang pormal na pamamahagi ng bakuna sa publiko.
Magugunitang, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilang mga sundalo at sibilyan na ang nabigyan ng bakuna kontra COVID-19 mula sa Sinopharm kahit hindi pa ito naaaprubahan ng Food and Drug Administration ng Pilipinas.