Timbog ang isang 79 na taong gulang na Filipino-American sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos mahulihan ng isang kahong bala sa kanyang hand carry bag.
Si Rondaris Rufino ay nahulihan ng 36 na piraso ng bala para sa caliber 25 at may tatak na Winchester.
Ang suspek ay dumating sa bansa sakay ng Philippine Airlines flight mula Los Angeles na siyang sinakyan din ni Senador Manny Pacquiao.
Nadiskubre ng mga awtoridad ang naturang kahon ng bala sa pagsakay ni Rufino sa connecting flight patungong Laoag City sa Ilocos Norte.
Nagtataka ang PNP aviatIon Security Group kung paano nailusot ni Rufino ang isang kahong bala mula sa Amerika.
By Judith Larino | Raoul Esperas (Patrol 45)