Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na halos 80 libong mangingisda ang makakatanggap ng fuel subsidy program.
Ayon kay Agriculture Undersecretary for Agri-Industrialization and Fisheries Cheryl Marie Natividad-Caballero, makakakuha ang mga benepisyaryo ng tatlong libo bawat isa sa pamamagitan ng discount cards ng Development Bank of the Philippines (DPB) na ipapamahagi sa regional offices.
Muli namang pinaalalahanan ni Secretary William Dar ang mga kwalipikadong benepisyaryo na magparehistro para mai-prayoridad at makakuha ng iba pang oportunidad.