Inaasahang nasa 7,000 hanggang 10,000 na immunocompromised individuals ang mababakunahan ng Department of Health (DOH) sa unang araw ng pagtuturok ng COVID-19 vaccine second booster bukas.
Ayon kay health undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) chair Myrna Cabotaje, tinatayang nasa 690,000 ng may mga sakit ang nakatanggap na ng unang booster.
Babakunahan lamang aniya sa initial phase ng rollout ng ikalawang booster shot ang mga edad 18 pataas na nasa immunodeficiency state, may HIV, active cancer o malignancy, transplant recipients, sumailalim sa steroid treatment, mga pasyenteng may mahinang prognosis o bed-ridden at iba pang kondisyon ng immunodeficiency na sertipikado ng doktor.
Samantala, maaaring makipag-ugnayan ang naturang grupo o A-3 sector sa kanilang lokal na pamahalaan o sa health facility para sa appointment.