Nasa 7,000 nurses ang pinayagan na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na makapagtrabaho sa ibayong-dagat ngayong taon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay POEA Deputy Administrator Bong Plan, ang nasabing bilang ay doble kumpara sa 3,500 noong isang taon.
Ito’y makaraang payagan ng gobyernona itaas ang deployment cap ng mga health care worker.
Isa anya sa mga rason ng increase sa deployment cap ang bumababang COVID-19 cases sa bansa na nagreresulta sa mababang demand para sa nurses.
Mayroon na ring licensure exams para sa nurses kaya’t nakapagdagdag ng mga lisensyadong healthcare workers.
Nananatiling mataas ang demand sa healthcare workers sa ibang bansa tulad sa United Kingdom, Germany, United States at Saudi Arabia.