Aabot sa 7K pamilya ang apektado ng flashflood sa ilang Bayan ng Isabela dahil sa walang tigil na malakas na pag-ulan dulot ng Hanging Habagat.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD-Region 2) , kabilang sa binaha ang San Manuel kung saan, nasa 5K pamilya ang apektado.
Nasa 2K pamilya naman ang binaha sa Aurora dahil parin sa walang tigil na pag-ulan kahapon.
Sa pahayag ni DSWD Regional director Cezario Joel Espejo, namahagi na ang kanialang ahensya ng family food packs at ₱3,000 na ayuda alinsunod na rin sa Assistance to Individuals in Crisis Situation Program ng ahensya.
Samantala, nagpaliwanag naman ang National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA)-MARIIS Division III at sinabi na ang pagbaha ay hindi dulot ng operasyon ng Magat Dam kundi resulta umano ng tatlong oras na pag-ulan.