Papadyak na sa darating na Huwebes ang Le Tour de Filipinas.
Ang race ay inaasahang lalahukan ng kabuuang 70 riders na kumakatawan sa 12 foreign teams at 3 local squads kabilang na ang PhilCycling.
Tanging ito ang International Cycling Union o UCI race sa Pilipinas na sisipa sa pang-pitong edisyon ngayong taon.
Ayon kay Donna Lina, pangulo ng nag-oorganisang UBE Media Inc., ang annual race ay papadyak mula sa Antipolo City patungo sa Lucena City at Daet sa Camarines Norte hanggang sa Legaspi City na sasaklaw sa halos kabuuan ng Timog Luzon at rehiyon ng Bicol.
By Jelbert Perdez
*Photo Credit: letourdefilipinas.com