Maliban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, gutom ang isa sa pangunahing problema ngayon sa maraming panig ng mundo.
Batay sa State of Food Security and Nutrition report ng United Nations, 1 sa bawat 9 na tao o 8.9% ng 690-milyong katao sa mundo ang dumaranas ng gutom na pinalala pa ng COVID-19 pandemic.
Itinulak na umano sa gutom ang mas maraming mamamayan dahil sa pagbagal ng ekonomiya at mataas na presyo ng mga masustansyang pagkain.