Swerteng nasungkit ng isang mananaya mula sa Laguna ang tumataginting na mahigit P8.9-M na jackpot prize sa Megalotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon sa PCSO, matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 36-17-29-28-12-05 kung saan, mapalad na nabili ng mananaya ang winning ticket sa san Pablo City, Laguna.
Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, maaaring magtungo sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City ang lucky winner at ipakita lamang ang kanyang winning ticket kasama ng dalawang valid ID cards para maiuwi ang premyo.