Hinatulan na ng habambuhay na pagkakabilanggo ng Quezon City Court ang walong suspek na dumukot sa isang Chinese-Filipino trader noong 2004 sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), binasahan ng sakdal ni QC RTC branch 225 presiding Judge Ma. Luisa Gonzalez-Betic ang mga salarin na sina Romeo Ayson, Clayton Patingan, Alberto Culanag, Romeo Aruta, Jose Olbato, Jaime Tolevas, Edwin Castillo, at Sebastian Magaipo na pawang napatunayang nasa likod ng pagdukot Genevive Sy, 17 taon na ang nakararaan.
Life imprisonment at walang parole ang ibinabang hatol ng korte laban sa mga suspek, habang napawalang sala naman ang mga akusadong sina Pepe Bihag at Lolita Monarzs.
Pahayag pa ng PNP, na dating mga opisyal umano ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sina Ayson at Patingan na kabilang sa 15 suspek na naaresto ng tinatawag noong police anti-crime and emergency response operatives kasunod ng ikinasa nilang rescue and follow-up operations na may kaugnayan sa pagkakadukot kay Sy.