Nasagip ng mga otoridad ang isang 8 – anyos na batang babae kasunod ng isinagawang operasyon laban sa isang hinihinalang cybersex den sa Mabalacat City, Pampanga.
Ang joint operation ay pinangunahan ng Women and Children Protection Center of the Philippine National Police, International Justice Mission, Mabalacat City Police Station, at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Inspector Renz Principe ng Mabalacat Police, naaresto ang tiyuhin at tiyahin ng biktima na sinasabing responsable sa pagkakalantad sa bata sa prostitusyon.
Nasabat din ang isang sex toy, laptop, web camera, at ilang piraso ng condom sa loob ng sex den.
Sinabi ni Principe na naisakatuparan ang operasyon matapos itong itimbre ng kanilang British counterpart.