Narekober ang walang buhay na 8 anyos na batang babae sa isang kanal sa barangay Dolores, Taytay, Rizal.
Ayon sa Taytay Municipal Police Station, natagpuan ng ilang residente ang bangkay na isang linggo ng nawawala matapos mapansin ang masangsang na amoy sa isang kanal sa kanilang lugar.
Kaugnay nito, inimbitahan ng otoridad ang ama ng bata at inamin na siya ang pumaslang sa kaniyang anak matapos na gahasain.
Samantala, nahaharap sa kasong rape with homicide ang suspek. —sa panulat ni Airiam Sancho