Isang Online sabong operator at pitong mananaya ang arestado matapos salakayin ng Manila Police District ang isang iligal na Online sabong operation sa loob ng isang palengke sa Tundo.
Ito’y kahit ipinatigil na noon ang nasabing sugal ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kinilala ang mga suspek na si Jayvee Mingoy, 21-anyos, residente ng F. Varona Street, Barangay 80 at operator ng nasabing pasugalan; Bobby Hernandez, 41-anyos;
Alexis Banares, 40-anyos; Jose Quinto, 51; Rosauro Exconde, 54; Rene Petallo, 52; John John Tambaon, 41 at Jeng Pascual, 37-anyos.
Ayon sa M.P.D. – District Special Operations Unit, karamihan sa mga naaresto ay mga tindero at helper sa palengke na na-aadik sa Online sabong.
Nasakote ang mga suspek sa loob ng Asuncion Public Market.
Narekober naman sa 8 ang nasa P2-k halaga ng taya at iba’t ibang online sabong paraphernalia at mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling.