Pinarangalan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang walong atleta na nakapag-uwi ng karangalan at medalya sa bansa matapos lumahok sa 31st Southeast Asian Games (SEAG).
Pinangunahan ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio Abu, ang awarding ceremony sa mga atleta ng PCG na sumali sa nasabing palaro dahil sa kanilang dedikasyon at tagumpayan na nagbigay-parangal sa bansa.
Kabilang sa mga binigyang parangal sina:
– CG Police Officer 3rd class o PO3 Nesthy Petecio na nakakuha ng bronze medal sa boxing
– CG Seaman 2nd class o SN2 Alvin Mendoza at CG Seaman 2nd class o SN2 Bryn Quillotes na parehong nakakuha ng bronze medal sa Judo
– CG Seaman 2nd class o SN2 Jackielou Escarpe, na nakakuha ng gold medal sa Kurash
– CG Seaman 2nd class o SN2 Mark Joseph Gonzales, na nakakuha ng dalawang bronze medals sa Sepak Takraw
– CG Anti-Submarine Warfare (ASW) Elreen Anne Ando na nakakuha ng silver medal sa weightlifting
– CG Anti-Submarine Warfare (ASW) Dlywynn Keith Gimena na nakakuha ng bronze medal sa Judo
– at CG Anti-Submarine Warfare (ASW) Khrizzie Pabulayan na nakakuha naman ng silver at bronze medals sa Judo.