Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong walong prosecutor sa iba’t ibang posisyon sa National Prosecution Service (NPS).
Inilabas ang appointment papers kahapon batay na rin sa naging rekomendasyon ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
Kabilang dito sina Joanna Ricero Arellano bilang Prosecutor I sa Batangas City, Lady Jane Batisan – Prosecutor II sa Nueva Ecija, Jocelyn Nolasco Santiago – Prosecutor II sa Sta. Rosa City at iba pa.
Inaasahang magtatalaga pa ang Pangulo ng iba pa para punan ang mga bakanteng pwesto sa NPS.
—-