Natupok ng apoy ang walong bahay sa isang residential area sa likod ng isang ospital sa Caloocan City, Biyernes ng hapon.
Itinaas sa unang alarma ang sunog dakong alas 3:38 ng hapon matapos kumalat ang apoy.
Ligtas na nailikas ng tauhan ng Martinez Memorial Hospital ang pasyente ng ospital.
Dakong alas 4:50 ng hapon nang naapula ang sunog ng mga Bureau of Fire Protection (BFP).
Kasalukuyan inaalam ang sanhi ng sunog at halaga ng mga ari-arian na napinsala.
Samantala, walang naiulat na namatay at nasaktan sa sunog. —mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon