Naka-standby sa Camp Crame ang 8 batalyon ng mga pulis para sa posibleng deployment simula ngayong araw na ito, bukas at sa mga susunod na araw sakaling kailanganin ng sitwasyon.
Isinagawa kaninang umaga ang accounting of troops sa kampo kung saan nag alay ng panalangin ang mga pulis na miyembro ng RSSF o Reactionary Standby Support Force.
Una nang inihayag ni PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor na ang mga nasabing puwersa ng RSSF ay standby force at puwede silang i-deploy anumang oras at araw kung kinakailangan.
Sinabi ni Mayor na ang RSSF ang tutugon sa mga emergency situation.
By Judith Larino