Nagpositibo sa mataas na lebel ng Arsenic ang tubig sa walong bayan at isang lungsod sa paligid ng Taal Lake, Batangas.
Ayon kay Dr. Rhodora Reyes, chief ng Batangas Medical Center Toxicology Center at Head ng provincial IATF on Arsenic, positibo sa naturang kemikal ang tubig sa Laurel, Balete, San Nicolas, Mataas na Kahoy, Alitagtag, Sta. Teresita, Lemery, Taal at Tanauan City.
Isang uri ng kemikal ang Arsenic na nagdudulot ng cancer sa balat at baga na kumakalat sa pamamagitan ng hangin at iniinom na tubig.
Paalala naman ng provincial health office sa mga residente na iwasan muna ang pag-inom ng tubig galing sa lawa at limitahan ang oras ng paglangoy dito.