Isinailalim na sa state of calamity ang walong bayan sa Oriental Mindoro.
Ito ay dahil sa mga pinsalang idinulot ng malalakas na pag-ulang dala ng Bagyong Usman.
Kabilang sa lugar na isinailalim sa state of calamity ang mga bayan ng Vaco, Naujan, Socorro, Pinamalayan, Bansud, Pola, Bongabong at siyudad ng Calapan.
Ayon sa ulat, dahil sa Bagyong Usman, maraming drainage project at taniman ang nasira.
Tinatayang nasa P105 million na ang inisyal na halaga ng pinsalang iniwan ng bagyo sa lalawigan pa lamang ng Oriental Mindoro.