Nakauwi na sa Pilipinas ang walong Overseas Filipino Workers na biktima ng Human Trafficking at Illegal Recruitment sa Syria, sa tulong ng Department of Foreign Affairs.
Dating kinupkop ng Embassy shelter ang walong Pilipino, at dahil sa Repatriation ay muling nabakante ang nasabing shelter.
Nagpapasalamat naman ang mga biktima sa pagtutulungan ng DFA at Philippine Embassy upang sila ay masaklolohan at mapauwi sa Pilipinas. —sa panulat ni Mara Valle