Inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi pa natutunton ang walong biyahero na dumating sa Pilipinas galing South Africa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang naturang mga biyahero ay kabilang sa 253 na mga indibidwal na dumating sa bansa mula November 15 hanggang 29.
Sa nasabing bilang, 80 ang natukoy na, kung saan 77 dito ay returning overseas filipinos at tatlo ay foreign nationals mula Region 6.
Ang 71 idibidwal ay isinailalim sa facility quarantine, habang apat naman ang naka-home quarantine, at lima ang nakauwi na matapos ang kanilang 14-day quarantine period.
Samantala, tiniyak naman ni Vergeire na patuloy ang kanilang ginagawang paraan upang matunton ang walong travellers. —sa panulat ni Hya Ludivico