Narekober ng mga pulis ang may walong (8) bloke ng cocaine sa karagatan ng Dinagat Islands.
Tinatayang nagkakahalaga ito ng P46.6M.
Ayon sa Caraga Police, isang mangingisda ang nakakita sa isang (1) bloke ng cocaine na nakabalot ng transparent na cellophane at lumulutang malapit sa lighthouse sa munisipalidad ng Loreto.
Samantala, apat (4) na mangingisda naman ang nakakuha ng pitong (7) bloke ng cocaine malapit sa baybayin ng nabanggit na munisipalidad.
Itinurn-over naman agad ng mga mangingisda sa mga otoridad ang naturang mga cocaine.