Nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention ang walong Chinese nationals at isang Pilipino na inaresto ng NBI sa Paranaque City.
Ayon sa National Bureau of Investigation, dinukot ng grupo ang ilang kapwa Intsik na players sa casino ng isang kilalang hotel sa Paranaque City.
Pinautang di umano ng mga suspeks ang mga biktima kapalit ng doble o tripleng interest.
Lumabas sa imbestigasyon na tig dalawang milyong piso ang hinihinging kapalit ng mga suspeks sa bawat isang biktima.
Isa di umano’y sa mga biktima ang pinagdalhan ng 500,000 piso subalit hindi pa rin pinalaya dahil kulang pa umano ang ransom para rito.
Sinabi ng NBI na isa sa mga biktima ang nakagawa ng paraan at naipadala sa kanyang misis ang kanilang lokasyon sa pamamagitan ng GPS.
Agad namang nagsagawa ng operasyon ang NBI at naaresto ang walong Intsik at ang Pinoy na nagsilbing bantay sa kanilang safehouse.